Choose your languae / Sprache wählen / elija su idioma / Choisissez votre langue / scegliere la lingua / あなたの言語を選択 / Escolha seu idioma / выберите язык
TalktoCanada > Home > Bakit Sa Amin

Bakit Sa Amin

Mula noon 2006,ang TalktoCanada ay nagbibigay ng pagsasanay sa Ingles online sa mga malalaking korporasyon at, mga katamtamang laki na negosyo at sa mga indibidwal na mga mag-aaral sa buong mundo.

Sa halagang sulit, qualified na mga guro, world-class na serbisyo at suporta ang gumawa sa TalktoCanada upang maging global choice para sa online na pagsasanay sa Ingles.

Mga Indibidwal

Kunin ang pagsasanay sa Ingles na nararapat para sayo upang magtagumpay sa wika ng pangangalakal sa buong mundo.

Ang mga guro ng TalktoCanada na nakatapos sa unibersidad o kolehiyo ay tutulong sayo sa interactive at magiliw na kapamaraanan upang maabot ang inyong layuning makapagaral ng Ingles.

Ang TalktoCanada ay marami ng natulungang mga indibidwal mula sa iba’t ibang sulok ng mundo, mula sa iba’t ibang kalgayan sa buhay at handing tulungan ka rin. Sa TalktoCanada, lagi kang nasa mabuting kamay.

Mga Kompanya

Ang mga interactive web-based na solusyon sa pagsasanay sa Ingles ng TalktoCanada ay garantisadong mapagsasanay ang inyong tauhan sa sulit na halaga.

Sa panahon ngayon sa ekonomiya, maraming kompanya sa buong mundo ay nahaharap sa panggigipit, mapaayos ang performance sa kabuuan makatrabaho ng masmahusay. Panahon na upang pumunta sa isang training provider na maaaring maghatid sa iyong mga pangangailangan ng pagsasanay at makalibre pa ng oras upang matugunan ang iba pang mga mahalagang bagay.

Hayaang ang TalktoCanada na ang bahala sa pagsasanay ng inyong mga tauhan. Ibigay niyo sa amin ang inyong kinakailangan, at mga layunin ng pagsasanay at kami ang bahala sa iba. Nasa sa inyo kung paano mong maging kabahagi sa proseso ng pagsasanay.

Results Oriented

Ang inyong pagsasanay ay laging nakatuon sa pagkamit ng mga resulta na ninanais. Ang mga programa at mga aralin ay ginawa para sa iyong partikular na pangangailangan … kaya makukuha mo ng tama ang pagsasanay sa Ingles na makakapagdulot ng tunay na resulta.

Sa pagpokus sa pag-aaral sa pamamagitan ng role playing, pagpapahusay ng kasanayan, pagpractice ng katatasan at patuloy na suportam Ang TalktoCanada ang iyong tiket upang magtagumpay sa mundo ng Ingles sa global na pangangalakal.

Mga Native English Speakers

Sigurado, kapag kayo ay nagsanay sa tulong ng TalktoCanada, kayo ay nasasanay sa lahat ng oras ng isang kwalipikado native English speaker mula sa Canada.

Lahat ng aming mga guro ay may natapos sa unibersidad o may mga antas sa kolehiyo at mayroong karanasan sa pagtuturo. Magiliw, pasensyoso at matalino ay ilan lang sa mga paglalarawan ng aming mga naging kliyente tungkol sa aming mga guro.

Mabilis na Implementasyon

Kung ikaw ay isang indibidwal na estudyante maari nating simulan ang iyong pagsasanay sa loob ng 24 oras. Inyo lang ipaalam sa amin kung anong oras at araw ang pinkakombenyente para sa inyo at aming aayusin ang naayon na leksyon para sa inyo.

Para namn sa maliit hangang sa katamtamang laki na negosyo, maari nating simulan ang pagsasanay sa loob ng 10 araw depende sa laki at saklaw ng inyong pangangailangan. Ang mga kliyente sa korporasyon ay madalas nangangailan ng karagdagang oras para madesenyo, mapaghusayan at maayos ang programang pagsasanay

Lahat ng organisasyon ay magkakaroon ng tagapamahala mula sa TalktoCanada na syang inyong makakatambal upang magtakda ng inyong mga layunin sa pagaaral ng Ingles at timeline.

Anuman ang mga kinakailangan ng inyong programa, ipinagmamalaki ng TalktoCanada na naiimplementa namin ang pagsasanay ng mabilis at maabilidad at handang tugunan ang mga limitasyon sa oras.

Customized na mga Programa

Ang TalktoCanada ay inaayon ang bawat programa ng pagsasanay upang matugunan ang natatanging pangangailangan at layunin ng mga indibidwal at mga kliyenteng korporasyon. Ang iyong customized na programa ay matugunan ang iyong mga layunin ng pagsasanay habang naninirahan sa loob ng iyong badyet, gaano man kalaki o kaliit ito.

Base sa antas ng iyong Ingles, interes, pangangailangan at mga layunin, ang TalktoCanada ay magdedesenyo ng prgograma para lamang sayo. Ikaw ang magdesisyon kung ano ang nais mong pag-aralan, ang oras kung kelan mo gusto mag-aral at kung gaano kadalas ang iyong pag-aaral. Gagawin ng aming mga guro ang lahat upang maiiayon lahat sa iyong kagustuhan.

Ang TalktoCanada ay nakapagtrabaho na sa daan-daang estudyante at sa mga iilan…kaya walang programa ang masyadong maliit o malaki para sa TalktoCanada.

Tulong at Suporta

Ang staff ng TalktoCanada ay laging handa upang tugunan kayo. Kami ay inyong maabot sa telepono o email at madaling makaharap sa loob ng 24 oras.



TalktoCanada.com on Facebook

Innovative e-learning technology to teach English