Pagsasanay para sa Korporasyon
Ang epektibong pagkikipagusap sa Ingles ay maaring magdulot ng pagkakaiba sa pagunlad o kabiguan sa ika-21 na siglo sa global na pangangalakal.
Ang hindi mabuting komunikasyon ay maaring ikawala ng benta o maaring makapanakit ng kliyente. Upang maging matagumpay sa pangangalakal sa global business world ngayon, mahalaga ang epektibong pakikipagugnayan gamit ang wikang pang-global, ang Ingles. Sa panahon ng teknolohiya at globalisasyon, ang Ingles ay makabuluhan upang makapgsara ng mga panukala, makapagplano ng estratihiya, mapalawak ang negosyo at makagawa ng mga desisyon.
Flexible na mga Klase
Tipunin ang lahat ng mga kalahok mula sa iba’t ibang lugar ng live, ang pagsasanay ng Ingles ay web-based at real time. Maluwag ninyong maiskedyul ang inyong klase, dahil ang TalktoCanada bukas 24 oras. Danasin ang pagsasanay ng Ingles katulong ang mga native English speakers nang walang gastos sa paglalakbay at oras hiwalay sa pamilya o opisina.
Gamit ang WeBex meeting room, lahat ng kalahok sa virtual classroom ay maaring magbahagi ng kanilang resources sa guro gamit ang webcam, voice at whiteboard sharing.
Napatunayang Proseso na Mabisa
Kami ay nagsisimula sa natatanging approach sa pag-aaral kaya kami ay naiiba sa iba pang nagbibigay serbisyong Ingles.
Narito kung paano:
Naayon na Programa – inaayon naming ang programang pagsasanay upang matugunan ang mga layunin ng inyong organisasyon.
Indibidwal na Atensyon – ang sukat ng bawat klase ay maliit (pinakamarami na ang 4 na estudyante) upang ang bawat estudyante ay makatatanggap ng indibidwal na atensyon upang matulungan sa pagbigkas. Dahil sa maliliit ang sukat ng klase, bawat estudyante ay may sapat na oras upang maensayo ang kanilang pagsasalita.
Mga Bihasa at highly qualified na mga gurong Canadian – ang aming mga guro ay lubhang bihasa at mga nakatapos sa unibersidad o kolehiyo. Lahat ng mga guro ay nagsasalita sa Ingles bilang unang wika at may pagmamahal sa pagtuturo.
Progress Report – Ina-update naming ang bawat estudyante at mga employers sa kanilang progress reports sa kanilang bawat hakbang.
Cost Effective – Ang TalktoCanada iintindihin ang mga pangangailangan ng kumpanya at ang inyong mga tauhan. Ang inyong mga tauhan ay magiging dalubhasa sa Ingles ng masmabilis sa tulong ng aming programa kaysa sa tradisyonal na pag-aaral sa classroom o sa mga libro. Ang halaga ng pagsasanay ay mabilis na mapupunan ng mga karanasan sa pagtaas ng sales, at epektibong komunikasyon sa lahat ng antas ng staff at mas-competitive na global workforce.
Makipag-ugnayan sa amin ngayon para sa price quote.
001 