Choose your languae / Sprache wählen / elija su idioma / Choisissez votre langue / scegliere la lingua / あなたの言語を選択 / Escolha seu idioma / выберите язык
TalktoCanada > Home > Ang Kompanya

Ang Kompanya

Internasyonal na kumpanya na nakapokus sa pagsasanay ng Ingles para sa mga indibidwal at mga kompanya.

Ang TalktoCanada ay isang global na kompanya na mayroong passion sa pagtulong sa mga estudyante upang mapaghusay nila ang kanilang Ingles online. Ipinagmamalaki naming napaghuhusay ang komunikasyon sa Ingles upang makatulong sa mga indibidwal sa buong mundo. Ang mag-aaral ng TalktoCanada ay epektibong nakakapagkomunikasyon sa iba’t-ibang pakay pagkatapos nilang magsanay sa amin.

Itinatag noong unang bahagi ng 2006, ang TalktoCanada ay naging tagapagbigay ng pagsasanay ng Ingles online para sa parehong mga indibidwal at kliyenteng korporasyon tulad ng Saudi Telecom, Novartis at Ernst & Young. Mula noong kami ay nagsimula, napagbuti namin daan daang mga mag-aaral ang kanilang Ingles sa pamamagitan ng paggamit ng mga interactive na leksyon sa paggamit ng WebEx, skype at telepono. Kami ay flexible sa paraan ng aming pagturo, ang paraan ng aming komunikasyon at pagturo depende sa inyong availability.

Ang mga guro at staff ng TalktoCanada ay iba’t iba ang pinagmulan ngunit karaniwan ang layunin na matulungan ang mga kliyente ng TalktoCanada upang makamit ang kanilang mga layunin sa pagsasanay. Ang kompanya ng TalktoCanada ay may isang gawain, at ginagawa ito ng matiwasay, ang magsanay ng Ingles Online. Kami ay nagtuturo lamang online. Kung kayo ay naghahanap ng kompanya na marami ng karanasan sa pagasikaso ng parehong korporasyon na mga kliyente at indibidwal, kami na ang inyong hanap.

Ang isa naming ninanais bilang isang kompanya ay dalhin ang kulturang Canadian sa bawat aralin habang pinag-aaralan din ang inyong kultura. Sa paglipas ng panahon ang aming mga guro at mag-aaral ay nakabuo ng magagandang samahan na nagsimula lamang bilang kliyente at nagtapos bilang kaibigan.

Sa paglawak ng globalisasyon at paglaki ng pangangailangan sa wikang Ingles, huwag mong hayaan maiwan ka ng walang kakayahan at kasanayan upang magtagumpay. Ang TalktoCanada ay nagbibigay ng customized na mga kurso upang matugunan ang iyong pangangailangan sa sulit na halaga.

Maari lamang puntahan ang mga links sa baba upang makahalap ng iba pang impormasyon ukol sa aming serbisyo.

Indibidwal na pagsasanay

Ang pagsasanay ng TalktoCanda para sa mga indibidwal ay makakatuulong para mapaghusay ang inyong pagsasalita, pagbigkas at paggamit ng grmatikang Ingles. Lahat ng aralin are matututunan sa oras na pinakakombenyente para sayo sa pamamagitan ng WebEx, Skype o telepono. Kapag handa ka nang magrehistro para sa aralin puntahan lang ang course registration form.

Pagsasanay para sa mga korporasyon

Kunin na ang pagsasanay sa Ingles na kailangan mo para sa iyong mga tauhan makipagugnayan na sa TalktoCanada tungkol sa pagsasanay ng Ingles para sa korporasyon.

Bawat kompanya ay mayroong iba’t-ibang pangangailangan. Para sa mga hindi pa sigurado tungkol sa aming mga serbisyo kung ito ay nararapat sainyong kompanya, maari lamang magrehistro para sa libreng trial (*ngunit napapilalim sa apruba ng TalktoCanada )



TalktoCanada.com on Facebook

Innovative e-learning technology to teach English